Huwebes, Agosto 30, 2012

Ryza Cenon



Ryza Cenon on waiting for big break on GMA-7: "Kung ano lang ang ihain sa akin, yun lang ang kakainin ko."
Ang karakter ni Ryza Cenon sa Book 2 ng Luna Blanca ay isa sa mga bagong tauhan na naidagdag sa primetime series na ito ng GMA-7.
Gumaganap siya rito bilang si Ashely, ang kapatid ng karakter naman ni Chynna Ortaleza.
Parehong kontrabida ang roles nina Ryza at Chynna, pero sa kuwento ay may isyu rin sa isa’t isa.
Masaya raw si Ryza sa resulta ng kanyang trabaho sa Luna Blanca
Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya kasi galit sila [viewers] lahat sa akin. 
"Yun ang tinu-tweet nila sa Twitter. Kasi, nakakainis daw. Epal daw ako, inggitera raw po ako.
“Actually, yung Ashley, mas marami ang nagre-react kapag kontrabida ako.
“Siguro iba talaga ang dating kapag kontrabida, mas maraming nagre-react. Kaya masaya naman po. 
“Kami naman po ni Chynna, magkapatid kami, pero magkaiba ang kaaway namin.
"Siya, si Blanca [Barbie Forteza]; ako naman, si Luna [Bea Binene].”
Nag-e-enjoy rin daw si Ryza sa taping niya sa kanilang fantaserye.
Kuwento niya, “Actually, ang madalas na nakakausap ko, sila Direk Gina Alajar. Nakatrabaho ko na rin kasi noon sila Direk Gina, si Karen delos Reyes.
“Yung mga tweens naman po, ngayon ko pa lang din kasi sila nakatrabaho.”
PROJECT WITH SENATOR BONG REVILLA. Pagkatapos ng Luna Blanca, makakasama naman si Ryza sa Indio, ang telemovie na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla.
Kuwento ng young actress tungkol sa kanyang role dito, “Kapatid po ako dito ni Jennylyn Mercado. Nandoon po kami sa part ng mga Kastila.  
“Ang makaka-loveteam ko po, parang sa story po, si Rocco Nacino.

"Kasi may gusto siya kay Jennylyn, ako naman po may gusto kay Rocco. “So, doon po magkakaroon ng conflict. So, baka maging masama din ako rito. "Kasi, base sa karakter ni Jen, kahit siya ang may-ari ng bahay, siya ang kawawa.
“Pero alam ko po, next year pa yata eere kahit mag-start na rin kami ng taping.
"Kasi po, gusto raw ni Senator Bong na pagandahin talaga ang pagkaka-edit.”
Isa rin kasing fantaserye ang Indio na mangangailangan ng special effects.
WAITING FOR HER BIG BREAK. Si Ryza ang nanalong Ultimate Female Survivor sa Season 2 ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck 2.
Pero ang kadalasang nakukuha niyang roles ay best friend o kapatid ng bida. Bakit kaya parang mailap ang lead roles sa kanya?       
Sagot niya, “Nagiging training ko na rin para sa acting ko, mag-improve pa. 
"Nakakakuha rin naman ako ng pointers, like sa bida, ng mga bagong atake [sa pag-arte].
“Iba rin naman ang mga taong nakaka-partner ko. 
"Pero siyempre, nalulungkot din ako. Na, ‘Ano ang nangyayari? Parang ako na lang ang ganito, parang walang plano sa akin.’
“Pero hoping pa rin ako na magkaroon ng breaks. Naghihintay pa rin ako.
“Kaya nga ako nag-renew kasi meron akong trust sa kanila na mabigay sa akin ang dapat na mabigay nila sa akin dati pa.”
Ikalawang taon na raw ni  Ryza sa guaranteed four-year contract niya sa GMA-7.               
Hindi ba niya naiisip minsan na mag-demand o mag-request, tulad halimbawa saIndio na gawin din siyang isa sa leading ladies?
“Hindi. Hindi, e. At saka, hindi naman ako ganoon ka-aggressive. 
"Takot ako, e. Hindi ako masyadong palaban na tao.“Kumbaga, kung ano lang ang ihain sa akin, yun lang ang kakainin ko," sabi niya.
Sa palagay ba niya ay magandang attitude yung ganun?
“Well, sabi ng ibang director na nakakausap ko, sabi nila, dapat daw hindi ganoon.
“May nagsabi sa akin na, 'Dapat maging aggressive ka para hindi ka ginaganyan.'
“Hindi ko po alam kung paano ko ia-adjust ang sarili ko sa ganoon. Heto po ako, e.
“Ang hirap pong biglang baguhin ang ugali ko at manibago ang iba at sabihin, may attitude naman ako.
“So, nakakatakot din na sundin yung advice nila sa akin. 
"Siguro, uunti-untiin ko, pero hindi ko bibiglain. May takot po kasi ako.”


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento