Isa na namang kontrabida role ang gagampanan ni Chynna Ortaleza sa bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga.
Ang Sana Ay Ikaw Na Nga ay remake ng primetime series na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia noong 2001.
Si Chynna naman ang gaganap sa papel ni Olga, na magpapahirap sa buhay nina Carlos Miguel at Cecilia. Ang role na ito ay unang ginampanan ni Maricar de Mesa.Sa remake nito ay sina Mikael Daez at Andrea Torres ang muling magbibigay-buhay sa karakter nina Carlos Miguel Altamonte at Cecilia Fulgencio.
CONFUSED. Marami ang nagsasabi na bagay si Chynna sa kanyang bagong karakter, at maihahanay na raw siya bilang isa sa mga epektibong kontrabida ng Kapuso network.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna noong Linggo, August 26, sinabi nito na bagamat bihasa na siya sa pagkokontrabida ay medyo nahirapan pa rin siya sa kanyang bagong proyekto.
Paliwanag niya, “Nahihirapan ako ngayon kasi medyo nako-confuse na ako.
"Kasi, ganito ‘yan, siyempre thankful ako na maraming trabaho.
“Pero katulad niyan, problemado ako kay Olga kasi eere siya simultaneous kay Divine.”
Ang tinutukoy ni Chynna ay ang karakter niya sa primetime series na Luna Blanca, na kasalukuyang umeere sa Kapuso network.
Patuloy niya, “So, parang feeling ko, ang pangit naman kung makita ng tao na yung hitsura ko sa gabi ay ganoon din sa umaga at walang diperensiya ang atake.
"So, hilung-hilo ako.”
HER CHARACTER OLGA. Pero mabuti na lang daw na mas seksi si Olga kaya napaglalaruan niya ang karakterisasyon nito.
Sabi ni Chynna, “May bangs ako diyan.
"Dapat mas maikli, pero hindi ko talaga kinaya na isalang na ganito ang buhok ko.
"Kasi, ganito rin ang buhok ko sa Luna, itinataas ko lang.”
Yung mga karakter na ginagampanan ba niya ay hindi niya naiuuwi kapag nasa bahay at wala na siya sa taping?“Hindi naman," sagot niya. "Kasi, mas bumabait yata ang mga kontrabida kesa sa bida, kasi may outlet.
“At saka, hindi ko naman siya nadadala sa bahay.
"At saka, tao ako, so hindi ko dine-deny na may times na may topak ako.
"May times na mabait ako. May times na kapag pagod ako…
“Pero marunong lang akong mag-tap ng other side ng personality ko na for sure, everybody has it.”
Dagday niya, “At saka, feeling ko naman, sa totoong buhay, mero’n naman talagang good and bad side.
“So, pagdating ko sa bahay, kung may magpikon sa akin, e, di galit ako. Lalabas ang pagka-maldits!” natatawa niyang pahayag.
Credits: PEP.ph
Credits: PEP.ph
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento