Huwebes, Agosto 30, 2012

Jessica Sanchez


Jessica Sanchez, ibinida ang bago niyang awiting 'Fairytale'

Ibinida ng American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez ang awiting 'Fairytale' na kabilang sa kanyang unang album.

Kinanta ni Jessica ang naturang awitin sa kanyang live performance sa iHeartRadio nitong Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Pilipinas) sa New York City.

Inanunsiyo rin sa official Twitter account ng iHeartRadio ang naturang pagtatanghal ni Jessica: "@AmericanIdol #Season11 runner up: @JSanchezAI11 performs new song #Fairytale for us!"

Kasama rin ng 17-anyos na dugong Pinoy na mang-aawit sa iHearRadio ang mga kapwa American Idol alumni na sina Phillip Phillips, Joshua Ledet, at Haley Reinhart.



Ibinalita rin ni Jessica sa naturang radio show na kinuha siya ng Interscope Records bilang contract artist pagkatapos ng American Idol Season 11.

"After the show, I got signed with Interscope Records. I've been working on my album and I just wanna give you a sneak peek on what's to be on the album," ayon kay Jessica.

Umaasa si Jessica na magugustuhan ng mga tao at tagahanga niya ang kanyang bagong awitin.

Sa mga naunang balita, nagsimula na ang recording ni Jessica para sa kanyang debut album noong Hunyo.

Maliban sa kanyang album, mapapanood din si Jessica Sanchez sa Pilipinas para American Idol World Tour na gaganapin ngayon Setyembre. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

JM de Guzman

JM de Guzman on Jessy Mendiola: "Bata pa naman kami. Hindi pa dapat ang sobrang seryosohan.”


Ayon kay JM de Guzman, hindi pa sila muling nagkakausap ni Jessy Mendiola mula nang ihayag ng young actor, sa programang Kris TV, ang nararamdaman niya para sa dalaga.
Matatandaang isiniwalat ni JM na mahal nila ni Jessy ang isa't isa, sa kabila ng wala pa naman daw silang pormal na relasyon ni Jessy.
(CLICK HERE to read related story.)Ikinagulat naman ni Jessy ang rebelasyong ito ni JM dahil, ayon sa young actress, hindi niya alam na ganun pala ang nararamdaman ng young actor para sa kanya.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM sa hallway ng main building ng ABS-CBN, sinabi niyang hindi pa sila nakakapag-usap ni Jessy para ayusin ang hindi nila pagkakaintindihang dalawa.
Sabi niya, “Hindi pa, busy. Hindi ko pa naiisip sa ngayon. Mas focused muna ako sa trabaho.
“Siyempre, minsan lang dumating ang magagandang nangyayari sa career ko.
"Ito ang priority ko, for my family, for myself.”
SECOND CHANCE. Kahit ikinagulat ni Jessy ang mga sinabi ni JM patungkol sa kanilang dalawa, hinahangaan naman daw ng young actress ang ipinakitang tapang at paninindigan ng binata sa nararamdaman nito.
Nasabi rin ng young actress na bawat isa naman ay dapat mabigyan ng ikalawang pagkakataon.
Ano ang reaksiyon dito ni JM?
“Masaya, kasi totoo naman kasi yung sinabi ko. Sincere naman ako.
"Kung naa-appreciate niya, masarap sa pakiramdam. 
   
“Second chance? Mas maganda siguro na take things slowly. 
"Bata pa naman kami. Hindi pa dapat ang sobrang seryosohan,” saad niya.
Ganun pa rin ba ang nararamdaman niya para kay Jessy?
Tumango lamang si JM.

Sarah Geronimo


Sarah Geronimo on Gerald Anderson: “Alam mo, yung friendship namin, in time, sana mas mag-blossom pa.”
Marami ang natuwa at kinilig sa duet nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa 25thanniversary ng Cebuana Lhuillier noong Martes, August 28, sa Smart-Araneta Coliseum.
Magkahawak-kamay sila habang nagdu-duet at kapansin-pansin din ang sweetness nila.
Pagkatapos nito ay inawit ng young actor ang “We’ve Got Tonight” na ikinakilig ng kanilang mga tagahanga.Pagkatapos ng duet nila ng “Won’t Last a Day Without You,” bumalik si Gerald sa stage sa kantiyaw ni Sarah para sa isa pang kanta.
Lalo pang kinilig ang fans nang tanungin ni Sarah si Gerald kung "single" pa ito.
Sagot naman dito ni Gerald: “Siyempre, single ako... single pa rin ako.”
Naghiyawan ang fans ng dalawa nang marinig ang palitan ng salita ng kanilang mga idolo.
Dahil din dito, lumakas ang paniniwala ng marami na nagkaayos na muli ang kanilang mga idolo matapos mapabalitang tumigil na sa panliligaw si Gerald kay Sarah.
May usap-usapan din na nagdesisyon na lang silang itago ang kanilang relasyon para makaiwas sa mga intriga.
Pero may naniniwala ring bahagi lamang ito ng palabas para pakiligin ang mga nanood ng nasabing pagtatanghal.
HAPPY SARAH. Ganun pa man, masaya raw si Sarah sa muli nilang pagkikita ni Gerald.
“Happy! Every time na nagkikita kami, natutuwa talaga ako… masaya,” sabi ng Pop Princess nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show.
Aminado rin ang 24-year-old singer-actress na ine-enjoy niya talaga ang bawat pagkakataon na nagkakasama silang dalawa ni Gerald.
Kuwento pa ni Sarah, siya ang nagpilit kay Gerald na kantahin nang live ang “We’ve Got Tonight.”
“Actually, nag-rehearse na kami kahapon. Talagang pinilit ko siya na mag-live kasi sayang naman.
“'We’ve Got Tonight' kasi favorite niya yung song na yun, at gusto ko rin naman yung kanta.

Masaya rin si Sarah na napasaya nila ni Gerald ang mga manonood nung gabing iyon.
“Sabi ko, ‘Bakit hindi naman natin i-share sa mga tao?’”
“Yun naman ang purpose namin as entertainers—ang makapagpasaya ng tao.”
Sa hiwalay na interview ng PEP kay Gerald, inamin nito na espesyal pa rin para sa kanya ang Pop Princess.
(CLICK HERE to read related story.)
Ano ang reaksiyon dito ni Sarah?
“Alam mo, yung friendship namin, in time, sana mas mag-blossom pa,” sabi niya.
Nagpakatotoo ring inamin ni Sarah na hindi pa rin nawawala ang kilig pag nagkikita at nagkakasama sila ni Gerald.
“Oo naman… lagi namang may kilig,” sabi ni Sarah.

Star Cinema takes moviegoers to the mysterious life of 'The Mistress'

Star Cinema takes moviegoers to the mysterious life of 'The Mistress'

In celebration of the 10th anniversary of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo’s love team, Star Cinema presents another daring film that will bring Filipino moviegoers up close and personal with the obscure life of the other woman, a married man’s secret lover, or better known to many as “The Mistress.” Star Cinema’s newest adult film is set to hit theaters nationwide on September 12 (Wednesday). 

According to multi-awarded film director Olivia Lamasan, who is at the helm of the much-awaited reunion film of one of the country's most successful love teams in history, “The Mistress” is significant to her.

“This film is very important to me kasi naging parte ako ng 10 years ng John Lloyd-Bea love team. Isa ako sa bumuo sa kanilang love team in the 2002 TV hit ‘Kay Tagal Kang Hinintay,’ which was the launching teleserye of John Lloyd,” she narrated. “At sa tatlong babae noon na pinagpilian naming ipartner sa kanya, I chose Bea Alonzo, who was only 14 years old at that time but we made her play the role of a 24-year-old lawyer.” 

Direk Olive further shared how proud she is after witnessing how John Lloyd and Bea mature as artists after a decade. “I saw them grew up--from chubby Bea and chubby Lloydi hanggang nagdalaga si Bea at nagbinata si John Lloyd,” she said. “Natutuwa ako kasi nagkatotoo talaga ‘yung sinabi namin ni Charo (Santos-Concio) that si John Lloyd will be one of the great actors in Philippine cinema and si Bea din, she has grown to become one of the great actresses that we have.”

Being a self-confessed fan of John Lloyd-Bea love team, Direk Olive considers doing “The Mistress” a great deal. “It is an honor for me to transition them to more adult roles,” said the critically-acclaimed director. “This film, as far as I’m concerned, ang maghahatid sa kanila doon sa pagganap ng mas matatapang at mas adult na characters.”

Tagged as John Lloyd and Bea’s bravest film ever, “The Mistress” tackles the controversial issue of infidelity. “Interesting siya kasi marami naman talagang nasa sitwasyon na ganyan. But it was never an intention to be controversial,” shared Direk Olive. “When it was conceptualized it was simply about a story of a man who falls in love with a woman who happens to be a mistress. We also got interested in what kind of a mistress or a woman this mistress is to be worthy of this man’s love.”

But what makes “The Mistress” more fascinating is the love triangle among the Sari (Bea), the mistress; Rico (Ronaldo Valdez), the benefactor; and JD (John Lloyd) persistent admirer. “In every love triangle, it becomes more interesting kung parang level ‘yung competition ng ka-triangle,” said Direk Olive. “What’s also appealing about the film is that kuwento siya ng flawed characters. All of them are flawed but all of them have a heart and in getting to know them, you would symphatize and emphatize with them.” 

What will you do when the ‘perfect woman’ you have been waiting for all your life is unfortunately the mistress of another guy?

Aside from John Lloyd, Bea and Ronaldo, also part of "The Mistress" is multi-awarded actress Hilda Koronel who plays the character of Regina, Rico’s legal wife. Completing the cast are Anita Linda, Carmi Martin, Tony Mabesa, K Brosas, Gabe Mercado, Minnie Aguilar, Nor Domingo, and Clarence Delgado.

"The Mistress" hits cinemas nationwide on September 12, 2012.

Julie Anne San Jose on allowing Elmo Magalona to court her


Julie Anne San Jose on allowing Elmo Magalona to court her: “Siguro, if ever there would be a chance, I think… yes.”
Ngayong naipalabas na ang launching movie nila ni Elmo Magalona, ang Just One Summer, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne San Jose kung nawala na ba ang pressure sa kanila.
O simula pa lang ba ito na dapat may patunayan ang kanilang tambalan?
Sagot ng young singer-actress, “Uhm… parang sort of yes and sort of no.
“Kasi iyon nga, parang nagkaroon din ng pressure sa amin.
"Kasi GMA [Films] gave us the opportunity to have a movie together—and lead roles pa.
“So it’s really a big deal for us, kasi it’s gonna make our career.
“And as of now rin nga… kasi we’re really having fun while shooting the movie.
“And masusukat after ng lahat-lahat ng nangyari sa movie kung magtatagal ba kaming dalawa.”
Pakiramdam ba niya ay made na ang loveteam nila ni Elmo?
Sabi ni Julie Anne, “Uhm… I would like to believe so.
"Yun ngang mga comments at reviews nila, mas marami pang mangyayari sa aming dalawa ni Elmo.”
Nakausap ng PEP si Julie Anne sa contract signing at launching niya bilang isa sa TIMEbassadors ng UniSilver Time, last Sunday, August 26, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.
FROM REEL TO REAL. May mga fans na umaasa na sana ay totohanan na ang pagiging sweethearts nila. Ano ang masasabi ni Julie Anne dito?
“Kami ni Elmo, in real life din?” balik-tanong ng dalaga.
“I don’t know. Kasi for now, nagpu-focus talaga kami sa priorities namin, e, like sa work.
“Ako, bukod sa trabaho, sa school din.
"Then si Elmo, papasok na rin siya next semester.
“Yun! Marami pa talaga kaming kailangang gawin.
"And parang wala pa yung relationship sa ulo namin—friendship talaga po muna.
“And if ever na it would come, and if it will happen, definitely it will happen naman. So be it.”
PERSONAL CHOICE. Bawal pa bang mag-entertain ng suitors si Julie Anne ngayon?
“Hindi naman sa bawal. Choice ko rin lang na huwag muna talaga.
"Kasi ayoko rin na parang masira kasi yung… hindi naman sa masira yung work.
“Alam mo kasi, parang kumbaga, mahihirapan kang pagsabayin talaga.
“Especially kasi ako, I admit na I’m still immature pa, kahit sabihing eighteen na ako. Siyempre, bata pa.
“Tapos, it’s up to you naman if you’re ready to commit. And to take responsibilities to have a relationship with someone.”
Kung sakaling handa na siyang mag-entertain ng manliligaw, magiging top of her list ba si Elmo dahil kilala na nila ang isa’t isa?
“Kung manliligaw siya, I don’t know kung nasa top ng list siya, e.
“Kasi ano, e… hindi ko pa po talaga alam.
“Siguro, if ever there would be a chance, I think… yes.
"Kasi I’m not shutting my doors to anyone naman, e.”
Ano ang pinakagusto niya sa mga katangian ng young rapper-actor?
“Marami akong gusto sa kanya, e—gusto ko yung personality niya, I like how talented he is… nice siya.
“Ayun! Nasa kanya na nga lahat. And I can say na compatible din kami.”

Ryza Cenon



Ryza Cenon on waiting for big break on GMA-7: "Kung ano lang ang ihain sa akin, yun lang ang kakainin ko."
Ang karakter ni Ryza Cenon sa Book 2 ng Luna Blanca ay isa sa mga bagong tauhan na naidagdag sa primetime series na ito ng GMA-7.
Gumaganap siya rito bilang si Ashely, ang kapatid ng karakter naman ni Chynna Ortaleza.
Parehong kontrabida ang roles nina Ryza at Chynna, pero sa kuwento ay may isyu rin sa isa’t isa.
Masaya raw si Ryza sa resulta ng kanyang trabaho sa Luna Blanca
Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya kasi galit sila [viewers] lahat sa akin. 
"Yun ang tinu-tweet nila sa Twitter. Kasi, nakakainis daw. Epal daw ako, inggitera raw po ako.
“Actually, yung Ashley, mas marami ang nagre-react kapag kontrabida ako.
“Siguro iba talaga ang dating kapag kontrabida, mas maraming nagre-react. Kaya masaya naman po. 
“Kami naman po ni Chynna, magkapatid kami, pero magkaiba ang kaaway namin.
"Siya, si Blanca [Barbie Forteza]; ako naman, si Luna [Bea Binene].”
Nag-e-enjoy rin daw si Ryza sa taping niya sa kanilang fantaserye.
Kuwento niya, “Actually, ang madalas na nakakausap ko, sila Direk Gina Alajar. Nakatrabaho ko na rin kasi noon sila Direk Gina, si Karen delos Reyes.
“Yung mga tweens naman po, ngayon ko pa lang din kasi sila nakatrabaho.”
PROJECT WITH SENATOR BONG REVILLA. Pagkatapos ng Luna Blanca, makakasama naman si Ryza sa Indio, ang telemovie na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla.
Kuwento ng young actress tungkol sa kanyang role dito, “Kapatid po ako dito ni Jennylyn Mercado. Nandoon po kami sa part ng mga Kastila.  
“Ang makaka-loveteam ko po, parang sa story po, si Rocco Nacino.

"Kasi may gusto siya kay Jennylyn, ako naman po may gusto kay Rocco. “So, doon po magkakaroon ng conflict. So, baka maging masama din ako rito. "Kasi, base sa karakter ni Jen, kahit siya ang may-ari ng bahay, siya ang kawawa.
“Pero alam ko po, next year pa yata eere kahit mag-start na rin kami ng taping.
"Kasi po, gusto raw ni Senator Bong na pagandahin talaga ang pagkaka-edit.”
Isa rin kasing fantaserye ang Indio na mangangailangan ng special effects.
WAITING FOR HER BIG BREAK. Si Ryza ang nanalong Ultimate Female Survivor sa Season 2 ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck 2.
Pero ang kadalasang nakukuha niyang roles ay best friend o kapatid ng bida. Bakit kaya parang mailap ang lead roles sa kanya?       
Sagot niya, “Nagiging training ko na rin para sa acting ko, mag-improve pa. 
"Nakakakuha rin naman ako ng pointers, like sa bida, ng mga bagong atake [sa pag-arte].
“Iba rin naman ang mga taong nakaka-partner ko. 
"Pero siyempre, nalulungkot din ako. Na, ‘Ano ang nangyayari? Parang ako na lang ang ganito, parang walang plano sa akin.’
“Pero hoping pa rin ako na magkaroon ng breaks. Naghihintay pa rin ako.
“Kaya nga ako nag-renew kasi meron akong trust sa kanila na mabigay sa akin ang dapat na mabigay nila sa akin dati pa.”
Ikalawang taon na raw ni  Ryza sa guaranteed four-year contract niya sa GMA-7.               
Hindi ba niya naiisip minsan na mag-demand o mag-request, tulad halimbawa saIndio na gawin din siyang isa sa leading ladies?
“Hindi. Hindi, e. At saka, hindi naman ako ganoon ka-aggressive. 
"Takot ako, e. Hindi ako masyadong palaban na tao.“Kumbaga, kung ano lang ang ihain sa akin, yun lang ang kakainin ko," sabi niya.
Sa palagay ba niya ay magandang attitude yung ganun?
“Well, sabi ng ibang director na nakakausap ko, sabi nila, dapat daw hindi ganoon.
“May nagsabi sa akin na, 'Dapat maging aggressive ka para hindi ka ginaganyan.'
“Hindi ko po alam kung paano ko ia-adjust ang sarili ko sa ganoon. Heto po ako, e.
“Ang hirap pong biglang baguhin ang ugali ko at manibago ang iba at sabihin, may attitude naman ako.
“So, nakakatakot din na sundin yung advice nila sa akin. 
"Siguro, uunti-untiin ko, pero hindi ko bibiglain. May takot po kasi ako.”


Miyerkules, Agosto 29, 2012

Chynna Ortaleza

Chynna Ortaleza on playing villain roles in two separate projects: “Nahihirapan ako ngayon kasi medyo nako-confuse na ako."

Isa na namang kontrabida role ang gagampanan ni Chynna Ortaleza sa bagong afternoon drama series ng GMA-7, ang Sana Ay Ikaw Na Nga.
Ang Sana Ay Ikaw Na Nga ay remake ng primetime series na pinagbidahan nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia noong 2001.
Si Chynna naman ang gaganap sa papel ni Olga, na magpapahirap sa buhay nina Carlos Miguel at Cecilia. Ang role na ito ay unang ginampanan ni Maricar de Mesa.Sa remake nito ay sina Mikael Daez at Andrea Torres ang muling magbibigay-buhay sa karakter nina Carlos Miguel Altamonte at Cecilia Fulgencio.
CONFUSED. Marami ang nagsasabi na bagay si Chynna sa kanyang bagong karakter, at maihahanay na raw siya bilang isa sa mga epektibong kontrabida ng Kapuso network.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Chynna noong Linggo, August 26, sinabi nito na bagamat bihasa na siya sa pagkokontrabida ay medyo nahirapan pa rin siya sa kanyang bagong proyekto.
Paliwanag niya, “Nahihirapan ako ngayon kasi medyo nako-confuse na ako.
"Kasi, ganito ‘yan, siyempre thankful ako na maraming trabaho.
“Pero katulad niyan, problemado ako kay Olga kasi eere siya simultaneous kay Divine.”
Ang tinutukoy ni Chynna ay ang karakter niya sa primetime series na Luna Blanca, na kasalukuyang umeere sa Kapuso network.
Patuloy niya, “So, parang feeling ko, ang pangit naman kung makita ng tao na yung hitsura ko sa gabi ay ganoon din sa umaga at walang diperensiya ang atake. 
"So, hilung-hilo ako.”
HER CHARACTER OLGA. Pero mabuti na lang daw na mas seksi si Olga kaya napaglalaruan niya ang karakterisasyon nito.
Sabi ni Chynna, “May bangs ako diyan. 
"Dapat mas maikli, pero hindi ko talaga kinaya na isalang na ganito ang buhok ko.
"Kasi, ganito rin ang buhok ko sa Luna, itinataas ko lang.”
Yung mga karakter na ginagampanan ba niya ay hindi niya naiuuwi kapag nasa bahay at wala na siya sa taping?“Hindi naman," sagot niya. "Kasi, mas bumabait yata ang mga kontrabida kesa sa bida, kasi may outlet.
“At saka, hindi ko naman siya nadadala sa bahay.
"At saka, tao ako, so hindi ko dine-deny na may times na may topak ako.
"May times na mabait ako. May times na kapag pagod ako…
“Pero marunong lang akong mag-tap ng other side ng personality ko na for sure, everybody has it.”
Dagday niya, “At saka, feeling ko naman, sa totoong buhay, mero’n naman talagang good and bad side.
“So, pagdating ko sa bahay, kung may magpikon sa akin, e, di galit ako. Lalabas ang pagka-maldits!” natatawa niyang pahayag.

Credits: PEP.ph

Manny Pacquiao

Manny Pacquiao, kasama sa listahan ng highest paid celebs ng Forbes Magazine.

Nakasama ang Kapuso star at boxing idol na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa listahan ng highest paid celebrities ng Forbes Magazine ngayong 2012
.

Sa 21 celebrities sa listahan ng Forbes Magazine, nasa pang-16 na puwesto si Pacquiao, host ng Manny Many Prizes na kumita umano ng $67 milyon sa kanyang mga laban sa boxing at product endorsement.

Sa September 16 ay dadayo ang tropa ng Manny Many Prizes sa Hollywood, USA para sa isang show.

Samantala, nananatiling nasa unang puwesto ang TV host na si Oprah Winfrey na may kabuuang kita na $165 milyon mula sa kanyang mga syndicated show at iba pa.

Pasok din sa listahan ang mga film producer at director na sina Michael Bay ($160-M); Steven Spielberg ($130-M);at Jerry Bruckheimer ($115-M) at George Lucas ($90-M).

Nasa top 20 rin sina Simon Cowell ($90-M); Elton John ($80-M); Tom Cruise ($75-M); Donald Trump ($63-M); Ryan Seacrest ($59-M); Britney Spears ($58-M) at Tiger Woods ($58-M). - FRJimenez, GMA News

BEST FEMALE ARTIST IN DIFFERENT CATEGORY



VOTE FOR YOUR FAVORITE FEMALE ARTIST IN DIFFERENT CATEGORY!

PHILIPPINES BEST FEMALE CHILDSTAR:
[http://www.facebook.com/media/set/?set=a.453722151326375.103711.440751299290127&type=3]

PHILIPPINES BEST FEMALES TEENSTAR:

PHILIPPINES BEST FEMALE ARTIST AGE: 20 - 30 

PHILIPPINES BEST FEMALE ARTIST AGE: 31 - 50 

PHILIPPINES BEST FEMALE ARTIST AGE: 50+



To vote just click "LIKE" the photo of your choice.Voting ends on September 30, Sunday at 10pm.