Sabado, Setyembre 1, 2012

Glaiza De Castro

Glaiza ipapalit kay Alessandra sa papel ni Heidi sa Pinoy Adaptation ng Korean Hit Series "Temptation of Wife

Hindi na si Alessandra de Rossi ang gaganap na Heidi Shin sa Temptation of Wife (Pinoy Adaptation) ng GMA Network, nagdecline cya dahil sa ilang sensitibong karakter sa soap. Kinumpirma nya na limitado ang kanyang kakayahan upang magampanan ang karakter ni Heidi.

Kaya si Glaiza de Castro na ang gaganap bilang Heidi Shin.
Narito ang ilang tweets ni Alesandra:

UPDATE on Miss Alessandra de Rossi:

jake Tordesillas @jaketor
I respect the decision of Ms. Alessandra de Rossi. Your life, your choice even if it doesn't include "Temptation of Wife" basta masaya

alessandra de rossi @msderossi
sana lang, tama yung mga desisyon ko sa buhay. #SOHELPMEGOD

alessandra de rossi @msderossi
i'm so general patronage. huhuhu. and im sorry na ganito ako. huhuhuhuhu. #EMO

Francis Magundayao

Francis Magundayao, certified Kapamilya na

WALA nang makakapigil sa tuluy-tuloy na pagsikat ni Francis Magundayao ngayong certified Kapamilya na siya.

Agad napansin ang kahusayan niya sa pagganap bilang batang Piolo Pascu
al sa teleseryeng Dahil sa Pag-ibig. Mabilis na lumikha ng ingay ang kanyang pangalan, kaya pagkatapos ng kanyang contract sa kanyang dating network ay agad siyang pinapirma ng kontrata ng ABS-CBN at isinali sa mga alaga ng Star Magic.
Ngayon, muling pakikiligin ng child actor-turned-primetime star ang televiewers sa pagpasok niya sa Aryana bilang bagong ka-love team ng Kapamilya tween mermaid na si Ella Cruz.
Sa unang pagsasama sa Dahil sa Pag-ibig bilang batang Piolo at batang Cristine Reyes, maraming manonood ang nabighani sa kanilang kakaibang onscreen chemistry. Iyon ang dahilan kung bakit nang magsimula ang fantaserye ni Ella ay bumuhos ang requests mula sa FrancElla (Francis at Ella) fans sa muli silang pagtambalin.
Kaya naman sa unang pasilip pa lamang sa karakter ni Francis sa Aryana bilang si Adrian nitong Miyerkules (Agosto 29), naging usap-usapan agad sila sa Twitter. Bumaha ng tweets tulad ng “forevercheska: Galing sumayaw ni Francis kanina sa Aryana! Kahit galit siya, pogi pa rin;” “@FRANCELLISTAS: Kabogero talaga ang akting ni Francis Magundayao. Mahusay na bagets;” at “joyful_jonnah03: Gusto ko na ng mga eksena ng FrancElla! Excited na ‘ko!”
Tutukan ang lalong kapana-panabik na mga eksensa sa Aryana ngayong malapit nang dumating sa buhay ni Aryana si Adrian. Ano nga ba ang tunay na pagkatao ni Adrian? Paano niya mababago ang buhay ni Aryana? Magiging malaking hadlang ba siya sa pagkakaibigan ni Aryana kina Marlon (Paul Salas) at Hubert (Dom Roque)?
Huwag palampasin ang magical ‘tail’ ni Aryana, gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN, bago mag-TV Patrol

Pia Guanio


Pia Guanio gives birth to healthy baby girl
Nanganak na ang TV host na si Pia Guanio via Caesarean section (C/S) kaninang madaling-araw, August 31.
Sa kanyang Twitter post ngayong umaga, masayang inanunsiyo ni Pia ang pagdating ng “little angel” nila ng asawang si Steve Mago.
“At 1255am today, Scarlet Jenine was born. Heavy at 7.8pounds and tall at 20 inches! Thank you Lord for the wonderful gift in our lives!" ani Pia sa kanyang tweet.Scarlet Jenine ang pangalan ng kanilang baby girl.
Saktong-sakto na nasa 39th week ng kanyang pagbubuntis si Pia nang manganak siya.
Ayon sa online resource website na March Of Dimes, ideal para sa isang ina na manganak sa ikanyang 39th week dahil “well-developed” na sa panahong ito ang mga importanteng organs ng bata, gaya ng utak, baga, at atay.
Mas maliit din daw ang tsansang magkaroon ng problema sa paningin at pandinig ang batang ipinapanganak at 39 weeks.
Nakasaad din sa website na, “[Babies] can suck and swallow and stay awake long enough to eat after he's born. Babies born early sometimes can't do these things.”
Kagabi, Agosto 29, ay nakapag-post pa si Pia ng mensahe sa Twitter:
"Scarlet and I will be going to the hospital soon. Help us pray it will be quick, normal and free of complications!"
Agad namang nagpaabot kay Pia ng pagbati ang ilang malalapit na kaibigan niya sa showbiz, gaya nina Isabelle Daza, Iza Calzado, at dating co-host sa Showbiz Centralna si John “Sweet” Lapus.
Nagpasalamat naman si Pia sa lahat ng mga taong nagdasal para sa kanilang mag-ina.
“And thanks to everyone else who tweeted their good intentions, wishes and prayers! God bless you too!”

Huwebes, Agosto 30, 2012

Jessica Sanchez


Jessica Sanchez, ibinida ang bago niyang awiting 'Fairytale'

Ibinida ng American Idol Season 11 runner-up na si Jessica Sanchez ang awiting 'Fairytale' na kabilang sa kanyang unang album.

Kinanta ni Jessica ang naturang awitin sa kanyang live performance sa iHeartRadio nitong Miyerkules ng gabi (Huwebes sa Pilipinas) sa New York City.

Inanunsiyo rin sa official Twitter account ng iHeartRadio ang naturang pagtatanghal ni Jessica: "@AmericanIdol #Season11 runner up: @JSanchezAI11 performs new song #Fairytale for us!"

Kasama rin ng 17-anyos na dugong Pinoy na mang-aawit sa iHearRadio ang mga kapwa American Idol alumni na sina Phillip Phillips, Joshua Ledet, at Haley Reinhart.



Ibinalita rin ni Jessica sa naturang radio show na kinuha siya ng Interscope Records bilang contract artist pagkatapos ng American Idol Season 11.

"After the show, I got signed with Interscope Records. I've been working on my album and I just wanna give you a sneak peek on what's to be on the album," ayon kay Jessica.

Umaasa si Jessica na magugustuhan ng mga tao at tagahanga niya ang kanyang bagong awitin.

Sa mga naunang balita, nagsimula na ang recording ni Jessica para sa kanyang debut album noong Hunyo.

Maliban sa kanyang album, mapapanood din si Jessica Sanchez sa Pilipinas para American Idol World Tour na gaganapin ngayon Setyembre. - Mac Macapendeg/FRJ, GMA News

JM de Guzman

JM de Guzman on Jessy Mendiola: "Bata pa naman kami. Hindi pa dapat ang sobrang seryosohan.”


Ayon kay JM de Guzman, hindi pa sila muling nagkakausap ni Jessy Mendiola mula nang ihayag ng young actor, sa programang Kris TV, ang nararamdaman niya para sa dalaga.
Matatandaang isiniwalat ni JM na mahal nila ni Jessy ang isa't isa, sa kabila ng wala pa naman daw silang pormal na relasyon ni Jessy.
(CLICK HERE to read related story.)Ikinagulat naman ni Jessy ang rebelasyong ito ni JM dahil, ayon sa young actress, hindi niya alam na ganun pala ang nararamdaman ng young actor para sa kanya.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay JM sa hallway ng main building ng ABS-CBN, sinabi niyang hindi pa sila nakakapag-usap ni Jessy para ayusin ang hindi nila pagkakaintindihang dalawa.
Sabi niya, “Hindi pa, busy. Hindi ko pa naiisip sa ngayon. Mas focused muna ako sa trabaho.
“Siyempre, minsan lang dumating ang magagandang nangyayari sa career ko.
"Ito ang priority ko, for my family, for myself.”
SECOND CHANCE. Kahit ikinagulat ni Jessy ang mga sinabi ni JM patungkol sa kanilang dalawa, hinahangaan naman daw ng young actress ang ipinakitang tapang at paninindigan ng binata sa nararamdaman nito.
Nasabi rin ng young actress na bawat isa naman ay dapat mabigyan ng ikalawang pagkakataon.
Ano ang reaksiyon dito ni JM?
“Masaya, kasi totoo naman kasi yung sinabi ko. Sincere naman ako.
"Kung naa-appreciate niya, masarap sa pakiramdam. 
   
“Second chance? Mas maganda siguro na take things slowly. 
"Bata pa naman kami. Hindi pa dapat ang sobrang seryosohan,” saad niya.
Ganun pa rin ba ang nararamdaman niya para kay Jessy?
Tumango lamang si JM.

Sarah Geronimo


Sarah Geronimo on Gerald Anderson: “Alam mo, yung friendship namin, in time, sana mas mag-blossom pa.”
Marami ang natuwa at kinilig sa duet nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson sa 25thanniversary ng Cebuana Lhuillier noong Martes, August 28, sa Smart-Araneta Coliseum.
Magkahawak-kamay sila habang nagdu-duet at kapansin-pansin din ang sweetness nila.
Pagkatapos nito ay inawit ng young actor ang “We’ve Got Tonight” na ikinakilig ng kanilang mga tagahanga.Pagkatapos ng duet nila ng “Won’t Last a Day Without You,” bumalik si Gerald sa stage sa kantiyaw ni Sarah para sa isa pang kanta.
Lalo pang kinilig ang fans nang tanungin ni Sarah si Gerald kung "single" pa ito.
Sagot naman dito ni Gerald: “Siyempre, single ako... single pa rin ako.”
Naghiyawan ang fans ng dalawa nang marinig ang palitan ng salita ng kanilang mga idolo.
Dahil din dito, lumakas ang paniniwala ng marami na nagkaayos na muli ang kanilang mga idolo matapos mapabalitang tumigil na sa panliligaw si Gerald kay Sarah.
May usap-usapan din na nagdesisyon na lang silang itago ang kanilang relasyon para makaiwas sa mga intriga.
Pero may naniniwala ring bahagi lamang ito ng palabas para pakiligin ang mga nanood ng nasabing pagtatanghal.
HAPPY SARAH. Ganun pa man, masaya raw si Sarah sa muli nilang pagkikita ni Gerald.
“Happy! Every time na nagkikita kami, natutuwa talaga ako… masaya,” sabi ng Pop Princess nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show.
Aminado rin ang 24-year-old singer-actress na ine-enjoy niya talaga ang bawat pagkakataon na nagkakasama silang dalawa ni Gerald.
Kuwento pa ni Sarah, siya ang nagpilit kay Gerald na kantahin nang live ang “We’ve Got Tonight.”
“Actually, nag-rehearse na kami kahapon. Talagang pinilit ko siya na mag-live kasi sayang naman.
“'We’ve Got Tonight' kasi favorite niya yung song na yun, at gusto ko rin naman yung kanta.

Masaya rin si Sarah na napasaya nila ni Gerald ang mga manonood nung gabing iyon.
“Sabi ko, ‘Bakit hindi naman natin i-share sa mga tao?’”
“Yun naman ang purpose namin as entertainers—ang makapagpasaya ng tao.”
Sa hiwalay na interview ng PEP kay Gerald, inamin nito na espesyal pa rin para sa kanya ang Pop Princess.
(CLICK HERE to read related story.)
Ano ang reaksiyon dito ni Sarah?
“Alam mo, yung friendship namin, in time, sana mas mag-blossom pa,” sabi niya.
Nagpakatotoo ring inamin ni Sarah na hindi pa rin nawawala ang kilig pag nagkikita at nagkakasama sila ni Gerald.
“Oo naman… lagi namang may kilig,” sabi ni Sarah.

Star Cinema takes moviegoers to the mysterious life of 'The Mistress'

Star Cinema takes moviegoers to the mysterious life of 'The Mistress'

In celebration of the 10th anniversary of John Lloyd Cruz and Bea Alonzo’s love team, Star Cinema presents another daring film that will bring Filipino moviegoers up close and personal with the obscure life of the other woman, a married man’s secret lover, or better known to many as “The Mistress.” Star Cinema’s newest adult film is set to hit theaters nationwide on September 12 (Wednesday). 

According to multi-awarded film director Olivia Lamasan, who is at the helm of the much-awaited reunion film of one of the country's most successful love teams in history, “The Mistress” is significant to her.

“This film is very important to me kasi naging parte ako ng 10 years ng John Lloyd-Bea love team. Isa ako sa bumuo sa kanilang love team in the 2002 TV hit ‘Kay Tagal Kang Hinintay,’ which was the launching teleserye of John Lloyd,” she narrated. “At sa tatlong babae noon na pinagpilian naming ipartner sa kanya, I chose Bea Alonzo, who was only 14 years old at that time but we made her play the role of a 24-year-old lawyer.” 

Direk Olive further shared how proud she is after witnessing how John Lloyd and Bea mature as artists after a decade. “I saw them grew up--from chubby Bea and chubby Lloydi hanggang nagdalaga si Bea at nagbinata si John Lloyd,” she said. “Natutuwa ako kasi nagkatotoo talaga ‘yung sinabi namin ni Charo (Santos-Concio) that si John Lloyd will be one of the great actors in Philippine cinema and si Bea din, she has grown to become one of the great actresses that we have.”

Being a self-confessed fan of John Lloyd-Bea love team, Direk Olive considers doing “The Mistress” a great deal. “It is an honor for me to transition them to more adult roles,” said the critically-acclaimed director. “This film, as far as I’m concerned, ang maghahatid sa kanila doon sa pagganap ng mas matatapang at mas adult na characters.”

Tagged as John Lloyd and Bea’s bravest film ever, “The Mistress” tackles the controversial issue of infidelity. “Interesting siya kasi marami naman talagang nasa sitwasyon na ganyan. But it was never an intention to be controversial,” shared Direk Olive. “When it was conceptualized it was simply about a story of a man who falls in love with a woman who happens to be a mistress. We also got interested in what kind of a mistress or a woman this mistress is to be worthy of this man’s love.”

But what makes “The Mistress” more fascinating is the love triangle among the Sari (Bea), the mistress; Rico (Ronaldo Valdez), the benefactor; and JD (John Lloyd) persistent admirer. “In every love triangle, it becomes more interesting kung parang level ‘yung competition ng ka-triangle,” said Direk Olive. “What’s also appealing about the film is that kuwento siya ng flawed characters. All of them are flawed but all of them have a heart and in getting to know them, you would symphatize and emphatize with them.” 

What will you do when the ‘perfect woman’ you have been waiting for all your life is unfortunately the mistress of another guy?

Aside from John Lloyd, Bea and Ronaldo, also part of "The Mistress" is multi-awarded actress Hilda Koronel who plays the character of Regina, Rico’s legal wife. Completing the cast are Anita Linda, Carmi Martin, Tony Mabesa, K Brosas, Gabe Mercado, Minnie Aguilar, Nor Domingo, and Clarence Delgado.

"The Mistress" hits cinemas nationwide on September 12, 2012.